NDRRMC chairman Teodoro, hinikayat ang publiko na sumunod sa force evacuation ng mga awtoridad

Hinikayat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairman at Office of Civil Defense (OCD) Secretary Gilbert Teodoro Jr. ang publiko na sumunod sa isinasagawang preemptive at force evacuation ng mga awtoridad, partikular na sa mga lugar na mataas ang banta ng pagbabaha at pagguho ng lupa dulot ng Super Typhoon (ST) Uwan.

Ayon kay Teodoro, may iilang mga residente ang ayaw pa ring sumunod at umalis sa kanilang mga tahanan kahit na may utos na mula sa awtoridad para sa force evacuation.

Dahil dito, magkakaroon ng paglabag sa batas ang sinumang hindi sumunod sa nasabing kautusan.

Pakiusap ni Teodoro sa publiko na sumunod at magpreemptively evacuate na dahil kung sa huli pa hihingi ng rescue ay malalagay din sa panganib ang buhay ng mga awtoridad at mga volunteer.

Patuloy namang nagtutulungan ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para rumesponde at magsagawa ng iba’t ibang operasyon sa mga lugar na naapektuhan ng nasabing ST Uwan.

Facebook Comments