NDRRMC Executive Director at Civil Defense Administrator Usec. Ricardo Jalad, kasama sa 116 na tauhan ng OCD na nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo rin sa COVID-19 si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director at Civil Defense Administrator Undersecretary Ricardo B. Jalad.

Ito ang iniulat ngayong umaga ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal.

Aniya, kasama si Jalad sa 116 na mga tauhan ng Office of Civil Defense (OCD) na nagpositibo sa COVID-19 kahapon.


Nakakaranas raw ng mild symptoms si Jalad at ngayon ay naka-isolate na.

Siya ay fully vaccinated na rin laban sa COVID-19.

Kaugnay nito, lumabas na rin ang resulta ng ng RT-PCR test ni Timbal at ito ay nagnegatibo.

Ngunit, may mga tauhan pa rin silang pending at inaantay ang resulta ng RT-PCR test.

Facebook Comments