Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na handa na ang pamahalaan saka sakaling pumasok na ang panahon ng tag-ulan.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Asec. Raffy Alejandro, kasabay ng kanilang paghahanda sa El Niño ay ang paghahanda rin sa panahon ng tag-ulan.
Inaasahan kasing magdadala ng extreme rainfall event o mas malakas sa normal na pag-ulan ang El Niño.
Ani Alejandro, patuloy sila sa pagpapahusay ng kanilang sistema sa pagtugon sa bagyo at iba pang kalamidad.
Kasama na aniya dito ang mas mahigpit na monitoring sa sama ng panahon bago pa pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR), mas maagang pagpaplano at pagpwesto ng mga resources at iba pa.
Una na ring sinabi ni Alejandro na nagsilbing drill ang Bagyong Betty para sa paparating na typhoon season na opisyal na magsisimula ngayong Hunyo.