NDRRMC, handa na sa posibleng epekto ng LPA at habagat

Pinaigting ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Low Pressure Area (LPA) at habagat.

Ayon kay NDRRMC Executive Director at Office of Civil Defense Administrator Usec. Ariel Nepomuceno, mahalaga ang maagap at sistematikong aksyon para maprotektahan ang buhay at kabuhayan ng mga mamamayan.

Itinaas na sa Blue Alert ang operations center ng NDRRMC, hudyat ng mas matinding pagbabantay at kahandaan ng mga emergency response units.

Kasabay nito, pinagana na rin ang Virtual Emergency Operations Center upang mas mapabilis ang koordinasyon sa mga apektadong lugar.

Panawagan ng NDRRMC sa publiko na maging alerto, sundin ang abiso ng mga awtoridad, at kumuha lamang ng impormasyon mula sa mga lehitimong source.

Facebook Comments