NDRRMC, hindi pa masiguro kung kailan tuluyang matatanggal ang oil spill sa Oriental Mindoro

Hindi pa masabi sa ngayon ng pamahalaan ang eksaktong panahon kung kailan tuluyang matatapos ang pinsalang idinudulot ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress.

Ito ang inamin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kasabay ng pagsisimula ng operasyon ng Remote Operated Vehicle (ROV) o underwater robot ng Japan.

Ayon kay NDRRMC at OCD Spokesperson Asec. Raffy Alejandro, lahat kasi ay nakadepende sa magiging assessment ng mga eksperto.


Hindi rin itinanggi ni Asec. Alejandro na malaking hamon ang kakulangan ng mga kagamitan ng bansa sa tuwing may mga lumulubog na barko kasama na ang paglutas problema ng oil spill.

Sa ngayon, doble kayod ang binuong national task force upang mabawasan kahit papano ang epekto ng oil spill at gumawa ng integrated intervention para sa oil spill management.

Sa pinakahuling datos nasa 32,661 pamilya mula MIMAROPA at Western Visayas ang apektado ng naturang oil spill kung saan umaabot na sa P28.3-M halaga humanitarian assistance mula sa gobyerno ang naibigay sa mga apektadong residente.

Facebook Comments