NDRRMC, humingi na ng karagdagang rescue units sa AFP upang ma-rescue ang mga na-trap sa baha sa Metro Manila at iba pang lugar na sinasalanta ng Bagyong Ulyssess

Humingi ng karagdagang rescue units ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para ma-rescue ang mga indbidwal na ngayon ay nanatili sa mga bubungan ng kanilang bahay dahil sa pagbaha sa Metro Manila at iba pang rehiyon na sinasalanta ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Casiano Monilla, may tuluy-tuloy silang komunikasyon sa mga Military Commanders para agad na mag-deploy ng mga dagdag na assests at tauhan para sa rescue operation.

Nagpapatuloy rin aniya ang kanilang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan na ang mga lugar ay matinding sinasalanta ng Bagyong Ulysses.


Sinabi ni Monilla na ang local officials ngayon ang nakatutok sa kanilang.
Sa ngayon, wala pang maibigay na datos ang NDRRMC kung gaano karaming pamilya ang mga binaha dahil ang focus ngayon ng kanilang ahensya ay ma-rescue ang mga nangangailangan ng tulong.

Handa naman ang NDRRMC na tanggapin ang tulong ng mga pribadong indibidwal para sa rescue operations sa kasalukuyan.

Iginiit naman ng NDRRMC na nagbigay ng warning ang kanilang ahensya sa mga indibdiwal na nakatira sa mga tinutumbok ng Bagyong Ulysses upang makapaghanda.

Facebook Comments