NDRRMC, ibinaba na sa Blue Alert Status matapos ang malalakas na lindol sa Cebu at Davao Oriental

Ibinaba na sa Blue mula sa Red Alert Status ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga bayan sa Cebu at Davao Oriental matapos ang pagtama ng malalakas na lindol sa lugar.

Sa pinirmahang memorandum ni Office of Civil Defense (OCD) Deputy Administrator for Operations Assistant Secretary Cesar Idio, lumipat na sa early recovery phase ang nasabing operasyon.

Kaugnay nito, makakabalik na ang mga detailed unit officers sa kani-kanilang mga unit.

Samantala, ang Virtual Emergency Operations Center ay mananatiling aktibo para sa agarang responde sakaling magkaroon ng insidente.

Tiniyak naman ng NDRRMC na patuloy pa rin silang makikipag-ugnayan sa mga kaukulang ahensya at magbabantay sa mga naapektuhang lugar.

Facebook Comments