Nananatiling kanselado ang pasok sa eskwela sa ilang paaralan sa Region 11 at 12 na naapektuhan ng Magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Davao Occidental noong Biyernes.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang ilang paaralan ay patuloy na sumasailalim sa Engineering Assessment para mabatid kung ligtas pang gamitin habang ang iba naman ay kailangang sumailalim sa pagkukumpuni.
Kabilang sa mga suspendidong pasok ay isang paaralan sa Digos Davao del Sur mula pre-school hanggang tertiary level.
Province wide naman ang suspension ng klase mula pre-school hanggang tertiary sa Davao Occidental, Sarangani at South Cotabato.
Samantala, nananatili sa siyam ang iniwang patay ng lindol at 16 ang sugatan.
Umakyat naman sa 3,696 pamilya o katumbas ng 16,293 mga indibidwal mula sa 51 brgy. sa Region 11 at 12 ang naapektuhan ng lindol.