May paalala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga lokal na pamahalaan at mga residenteng nakatira sa lugar na may bagyo na maging maagap.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Undersecretary Ricardo Jalad, dapat huwag magpakakampante at kailangan pa rin ng ibayong paghahanda.
Kaugnay nito, inatasan niya na ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Council at iba pang ahensya na patuloy na magpakalat ng mga babala.
Sinabi ni Jalad na patuloy silang magpapadala ng text warning at abiso na rin sa mga media outfit.
Batay sa datos mula sa Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), aabot sa 3, 076 barangay ang natukoy nilang landslide at flood prone areas.
Ang mga lugar na ito ay mula sa iba’t ibang area sa Luzon, Visayas at Mindanao na maapektuhan ng sama ng panahon.