NDRRMC, inalerto ang mga regional and local counterpart na maghanda sa epekto ng Bagyong Bising

Pinaghahanda ng pamunuan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang kanilang mga regional at local counterpart sa anumang epekto ng Bagyong Bising.

Batay sa inilabas na statement ng NDRRMC, pinagagawa nila sa kanilang mga local counterpart ang risk communication activities, pagpapakalat ng warnings at advisories sa mga komunidad na sentro ng bagyo.

Maging ang pagsasagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) meetings sa kanilang mga respective Emergency Operations Center (EOCs) at pagsasagawa ng inventory ng resources para sa response at preposition ng kanilang rescue teams.


Layunin ng hakbang na ito ng NDRRMC na mabawasan ang casualties kapag pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo lalo na ngayong may COVID-19 pandemic.

Batay sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa loob ng 24 oras ay inaasahang papasok sa PAR ang bagyo at tutumbukin ang ilang lugar sa Mindanao.

Facebook Comments