NDRRMC, kinumpirma na may mga bahay sa Masbate na nasira dahil sa naganap na magnitude 6.5 na lindol

Courtesy : Philippine Red Cross Masbate

Hindi nakaligtas sa epekto ng naranasang lindol sa Masbate ang ilang mga bahay partikular sa bayan ng Uson at Palanas.

Ayon kay Mark Timbal, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mga yari sa light materials ang mga bahay na nasira ng 6.5 magnitude na lindol.

Aniya, patuloy nilang inaalam ang bilang ng mga bahay at imprastrakturang naapektuhan at lawak ng pagkasirang dulot ng lindol.


Nakikipag-ugnayan din sila sa Office of Civil Defense Region 5 sa mga lugar na naramdaman ang paglindol partikular sa Quezon Province, Kabikulan, mga lalawigan sa Visayas hanggang sa Mindanao para matukoy ang kabuuang pinsala ng malakas na pagyanig.

Pinag-iingat din ng NDRRMC ang mga residente sa mga lugar na nakaranas ng pagyanig sa posibleng aftershocks.

Facebook Comments