NDRRMC, kinumpirmang sumampa na sa 14 ang mga nasawi dahil sa Bagyong Jolina

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na sumampa na sa 14 ang bilang ng mga nasawi sa bansa matapos ang pananalasa ng Bagyong Jolina.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na hiwalay pa rito ang naitalang 20 sugatan at 7 kataong nawawala.

Umabot naman sa 28,000 pamilya o katumbas ng 109,680 indibidwal ang naapektuhan ng kalamidad na nagpapalipas sa 205 evacuation centers.


Sa ngayon, patuloy na ang pagpapakawala ng tubig ng mga dam sa Luzon bilang paghahanda sa inaasahang hagupit ni bagyong Kiko sa Northern Luzon

Kabilang sa binuksan ang isang gate ng ippo dam, 2 gate ng ambuklao dam at 3 gate ng binga dam.

Facebook Comments