NDRRMC, kinumpirmang sumampa na sa 17 ang mga nasawi dahil sa Bagyong Jolina

Pumalo na sa 17 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Jolina.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), maliban pa rito ang 7 nawawala at 24 sugatan dahil sa kalamidad.

Tinatayang nasa 81,000 pamilya o katumbas ng 313,000 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.


Sa nasabing bilang, 13,061 ay nagmula sa Calabarzon, Mimaropa at Region 8 o Eastern Visayas.

Sa ngayon, umabot na sa 8,924 ang bilang ng mga kabahayang nasira ng Bagyong Jolina kung saan 432 ang totally destroyed.

9 na beses na nag-landfall ang Bagyong Jolina sa Pilipinas.

Facebook Comments