NDRRMC, maagang nagbigay ng babala sa mga lugar na hahagupitin ng Bagyong Agaton

Nakapagpaabot kaagad ng abiso ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga kababayan nating naninirahan sa mga peligrosong lugar kasabay nang pananalasa ng Bagyong Agaton.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na ito rin ang ginawa ng mga concern Local Government Unit kaya’t nakapagsagawa agad ng pre-emptive evacuation.

Pero, hindi aniya nila nakita ang lawak ng landslide at inabot maging ang safe zones kung kaya’t marami ang naapektuhan.


Sa ngayon, paliwanag ni Timbal na kahit nakaalis na ang Bagyong Agaton ay nananatiling maulan at baha pa rin sa ilang lugar sa Visayas.

Sinabi pa nito na patuloy rin ang isinasagawa nilang search, rescue at relief operations sa mga apektadong lugar.

Ang mga kababayan naman nating nasa evacuation center ay kanilang pinapayuhang sumunod sa health and safety protocols dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments