NDRRMC, magsasagawa ng full council meeting hinggil sa epekto ng El Niño

Magsasagawa ng full council meeting ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa Miyerkules, Marso a-bente para talakayin ang matinding epekto ng El Niño.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas, sa full council meeting ay tatalakayin ang malalaking usapin na kinahaharap ng bansa gaya ng tagtuyot.

Kasabay nito, tiniyak ni Posadas na kanilang tinutukan ang apat na aspeto na kinabibilangan ng seguridad sa pagkain, enerhiya, kalusugan at kaligtasan ng publiko.


Facebook Comments