Itataas na ngayong umaga ng NDRRMC ang kanilang pwersa sa blue alert.
Ang blue alert ay ang ikalawang pinakamataas na alerto na magtatalaga sa mga NDRRMC personnel na mag-monitor sa anumang posibleng epekto ng bagyo at maayos na koordinasyon sa iba pang ahensya ng gobyerno.
Kabilang sa tututukan ay ang mga landslide areas na posibleng maapektuhan ng bagyo gaya ng Quezon, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, Aklan, Atique, Eastern Samar at Northern Samar.
Ayon sa NDRRMC, nagpalabas na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng warning at advisories sa nasabing mga lalawigan.
Nakahanda na rin anila ang higit ₱1.2 million halaga ng pagkain at non-food items ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga maaapektuhan ng bagyo.