Mahigpit na coordination ang ipinapatupad ngayon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NRRMC) sa mga Local Government Unit bilang paghahanda sa Bagyong Ramon na inaasahang tatama sa Hilagang Luzon.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, ang paghahanda sa bagyo ay isinasagawa na habang patuloy din ang pamamahagi ng Relief Assistance sa mga nabiktima ng Bagyong Quiel.
Umaasa si Timbal na magiging sapat ang calamity funds sa pangangailangan ng mga residente sa mga apektadong lugar.
Gayumpaman, may ilang lugar sa Camarines Sur ang baha pa rin at nagkaroon ng pinsala sa pananim at imprastraktura.
Facebook Comments