Mas maging maingat at makinig sa mga babala.
Ito ang panawagan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko sa harap ng inaasahang posibleng epekto ng Bagyong Kiko oras na manalasa na ito.
Ayon sa NDRRMC, dapat sumunod ang publiko sa mga abiso ng kanilang Local Government Unit (LGU) kaugnay sa mga paghahanda at paglikas.
Batay sa abiso ng PAGASA, pwedeng maging super typhoon ang Bagyong Kiko.
Kaugnay nito, inabisuhan naman ng NDRRMC ang mga lokal na NDRRMC na ipatupad ang mga preparedness measures batay na rin sa protocol at Oplan Listo.
Facebook Comments