NDRRMC, mananatili sa blue alert status

Bagama’t nakalabas na ang Bagyong Ferdie sa Philippine Area of Responsibility (PAR), mananatili pa rin ang “blue alert” status ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa NDRRMC, binabantayan nila sa ngayon ang isa pang sama ng panahon.

Pagtitiyak ng ahensya, bukas ang kanilang operations center sa pagtanggap ng tawag ng mga nangangailangan ng tulong.


Kaugnay naman ng blue alert status, sinabi ng NDRRMC na pinagana na nila ang kanilang Bravo Emergency Preparedness and Response Protocol na mas maigting na pagtugon sa kalamidad.

Matatandaang nag iwan ng anim na kataong nasawi ang Bagyong Ferdie kung saan 11 din ang napaulat na nasaktan habang dalawa naman ang nawawala.

Facebook Comments