NDRRMC, nabigo sa isinagawang online national simultaneous earthquake drill

Nabigo ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa isinagawang online national simultaneous earthquake drill sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Paliwanag ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, hindi kasi naiwasan na magkaroon ng technical glitch dahil sa mabagal na internet connection.

Tiniyak naman ni Timbal sa publiko na gagawin ng NDRRMC ang lahat para sa mas maayos at mas magandang paghahanda.


Sa pahayag naman ni PHIVOLCS Officer-in-Charge Director Usec. Renato Solidum, ngayong nasa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila, magandang pagkakataon para balikan at pag-isipan ang paghahanda ng bawat isa, ng bawat pamilya para sa lindol.

Dapat din aniyang maglaan ng Personal Protective Equipment (PPE) ang bawat pamilya sa mga go-back at mga alcohol o disinfectant.

Facebook Comments