NDRRMC, nagbabala laban sa naglipanang text scam

Nagpaalala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko laban sa kumakalat na text scam na gumagamit ng kanilang opisyal na numero.

Ayon sa NDRRMC, may mga kumakalat na mensahe na nagsasabing makakatanggap sila ng ayuda o pera mula sa gobyerno kapalit ng pag-click sa isang kahina-hinalang link.

Giit ng ahensya, hindi nila ginagamit ang kanilang hotline para sa pamamahagi ng ganitong impormasyon.

Ang kanilang numero ay eksklusibo lamang para sa pagbibigay ng mga babala at abisong may kinalaman sa sakuna.

Paalala ng NDRRMC huwag i-click ang anumang link na kalakip ng naturang scam text.

Para sa anumang lehitimong tulong at impormasyon makipag-ugnayan lamang sa mga opisyal na social media account ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Facebook Comments