NDRRMC, nagbabala sa flashfloods at landslides dala ng Bagyong Vicky

Pinag-iingat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko sa flashfloods at landslides dahil sa ulang hatid ng Bagyong Vicky.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, may ilang barangay na sa Surigao del Sur at Agusan del Sur ang agad na nalubog sa baha dahil sa matinding pag-ulan.

Nagsagawa na ng pre-emptive evacuation sa mga nasabing lugar.


Ang mga unipormadong tauhan ng gobyerno ay sasali na rin sa rescue operations sa Bislig City sa Surigao del Sur at San Francsico at Bayugan City sa Agusan del Sur.

Sinabi naman ni Office of Civil Defense Spokesperson Mark Timbal, nakakatanggap na sila ng mensahe mula sa mga apektadong residente na humihingi ng tulong dahil umabot na ang baha sa kanilang mga bahay.

Ang mga request na idinaan sa social media ay ini-refer sa local DRRM offices para sa agarang aksyon ng mga lokal na pamahalaan.

 

\

Facebook Comments