Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa posibleng flash floods at landslides sa Hilagang Luzon dahil sa dalawang low pressure areas (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, dapat maghanda ang publiko lalo na sa mga lugar na banta ang pagbaha at pagguho ng lupa.
Mahalaga aniyang pinaghahandaan ang lahat ng sakuna.
Sa hiwalay na statement, pinaaalahanan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang publiko na manatiling alerto sa mga posibleng idulot ng sama ng panahon.
Facebook Comments