Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC) sa publiko laban sa mga mapanlinlang at pekeng fund-raising drives para sa mga biktima ng Bagyong Rolly.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, ang mga indibidwal at private organizations na nais magbigay ng pagkain, tubig, at iba pang tulong sa mga naapektuhan ng bagyo ay maaaring idaan ang kanilang donasyon sa official contact ng ahensya, 0917-827-5743 para sa Office of Civil Defense at NDRRMC Operations Center.
Sinabi pa ni Timbal na dapat mag-ingat ang publiko sa mga naglipanang bogus solicitations at ipadala ang tulong sa mga lehitimo at mapagkakatiwalaang organisasyon o tao.
Aniya, maraming indibidwal ang nagsasamantala sa sitwasyon para lokohin ang mga nais tumulong sa pamamagitan ng paglulunsad ng pekeng donation campaign.
Ang mga cash donations ay maaaring i-deposito sa Development Bank of the Philippines (DBP) Camp Aguinaldo Branch sa Peso account number 000-00149-435-3 at Dollar account number 01-5-00047-435-4.