CAUAYAN CITY – Inalerto ng National Disaster Risk Reduction Management Council ang lahat ng lokal DRRMO sa posibleng pagbagsak ng mga debris mula sa papakawalang rocket ng China.
Ayon sa ahensya, nakatakdang magpalipad ang People’s Republic of China ng Long March 7A mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Wenchang, Hainan, China.
Sa kalkulasyon ng NDRRMC, inaasahang babagsak ang debris sa karagatang bahagi o 75 nautical miles (NM) ng Burgos Ilocos Norte at 126 NM ng Sta. Ana, Cagayan.
Mahigpit din na ibinabala na huwag lalapitan o hahawakan ang mga debris na ito dahil sa posibleng toxic substance nito.
Inaabisuhan rin ng NDRRMC ang iba’t ibang ahensya kabilang na ang PCG, BFAR, DILG, at iba pa na maglabas ng polisya at warning sa mga drop zone areas.