NDRRMC, naglabas ng halos ₱20-M para sa cloud seeding operations

Naglabas na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng ₱18.3 million para sa cloud seeding operations sa mga lugar na apektado ng tagtuyot bunsod ng El Niño phenomenon.

Ibibigay ang pondo sa Department of Agriculture (DA) para sa cloud seeding operations na isasagawa ng Philippine Air Force.

Ayon kay NDRRMC Undersecretary Ricardo Jalad – makakatulong ang cloud seeding na pataasin ang tiyansang umulan.


Target ng NDRRMC na isagawa ito sa Cagayan Valley at Soccsksargen sa pagitan ng March 14 hanggang May 21.

Sa datos ng DA, aabot na sa ₱464.3 million ang pinsala sa produksyon at nalugi na ng 22.918 metric tons.

Nasa higit 16,000 magsasaka na rin ang apektado sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Mimaropa at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Facebook Comments