Mahigpit na tinututukan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang panibagong sama ng panahon na nagbabantang pumasok sa bansa.
Ayon kay NDRRMC Chairman at Defense Secretary Gilberto Teodoro, nagpapatupad na ang pamahalaan ng mga kinakailangang paghahanda upang mabawasan ang pinsalang idudulot nito.
Kahapon, pinulong ng kalihim ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kabilang ang NDRRMC na layong tiyaking makapagbibigay ng sapat na suporta ang gobyerno sa mga posibleng maapektuhan ng panibagong sama ng panahon.
Kasunod nito hinihikayat ng NDRRMC ang publiko na manatiling maging mapagbantay at makinig sa abiso ng inyong lokal na pamahalaan upang maiwasan ang pagkalagas ng buhay.
Facebook Comments