MANILA – Inalerto na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga disaster officials nito sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Ferdie partikular sa rehiyon ng Cagayan.Sa interview ng RMN kay NDRRMC Spokesman Romina Marasigan, nagsagawa sila ng pre-disaster risk assessment bilang paghahanda sa epektong bagyo.Inatasan na rin nila ang Office of the Civil Defense na umalerto at imonitor ang galaw ng bagyong ferdie.Sa ngayon, nakahanda na ng mga food packs at mga gamot sakaling na kailanganin.Naka-standby nadin ang local response team para makasiguro na walang maitatalang casualties ang bagyo.
Facebook Comments