Nakatutok na ngayon ang NDRRMC ang mga lugar na posibleng makaranas ng landslide at matinding pagbaha, dulot ng Bagyong Ursula.
Sa katunayan kahapon nagsagawa na ng Pre-Disaster Risk Assessment Meeting ang ahensya para pag usapan ang epekto na dala ng bagyo.
Naka pre-positioned na rin ang Family Food Packs, Emergency Funds at Food and Non-Food Items mula sa Department of Social Welfare and Development.
Habang ang Department of the Interior and Local Government ay nakipag ugnayan na rin sa kanilang mga Regional Offices para sa mga kinakailangang paghahanda batay na rin sa impormasyon mula sa Mines Geosciences Bureau at Pagasa.
Sa kabila na naglatag ng ng proactive measures ang NDRRMC hinikayat pa rin nito ang publiko na maging alerto sa lahat ng pagkakataon.