NDRRMC, nakahanda sa posibleng epekto ng bagyo

Mahigpit na binabantayan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang Bagyong Gardo na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at ang Super Typhoon Hinnamnor na kapag pumasok na sa PAR ay tatawaging Bagyong Henry.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson at Office of Civil Defense Deputy Administrator for Operations Assistant Secretary Bernardo Rafaelito IV, naka-stand by sila at nakatakda rin silang magtaas ng alerto.

Sa ngayon, palagian ang pakikipag-ugnayan nila sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) para sa update sa lagay ng panahon.


Kasunod nito, inaabisuhan na rin nila ang mga lokal na pamahalaan sa Northern Luzon na maghanda sa posibleng epekto ng 2 bagyo.

Nabatid na base sa weather forecast, hindi inaasahang magla-landfall ang Bagyong Gardo, pero posibleng higupin ito ng Super Typhoon Hinnamnor na magdadala ng mga pag-ulan.

Sa ngayon, sinabi ni Alejandro na 24 oras nang bukas ang emergency operations center ng NDRRMC para tumanggap ng mga tawag at rumesponde sa anumang pangangailangan.

Facebook Comments