NDRRMC, nakapagtala ng 4.6-B halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Paeng sa imprastraktura

Sumampa na sa mahigit P4.6-B ang kabuuang pinsala na iniwan nang nagdaang Bagyong Paeng sa imprastraktura.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula ang mga nasirang imprastraktura sa Regions 1, 2, 3, MIMAROPA, CALABARZON, Regions 5, 6, 7, 10, 11, 12, CAR at BARMM.

Pinakamalaking pinsala sa imprastraktura ang tinamo ng Region 5 na umabot sa mahigit P793-M.


Nakapagtala rin ang NDRRMC ng iba pang damaged assets tulad ng furniture, educational materials, electronics, fishing boats at mga sasakyan, handwashing facilities na nasa P1-M ang halaga.

Samantala, sa irigasyon naman ay naitala ng NDRRMC ang P96-M na halaga ng pinsala.

Habang sa sektor ng agrikultura sumampa na sa P4.2-B ang halaga ng pinsalang iniwan nang nagdaang Bagyong Paeng.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang pagbibigay ng ayuda ng pamahalaam sa mga nasalanta ng bagyo.

Facebook Comments