Manila, Philippines – Apatnapu’t isang indibidwal ang naitatalang namatay dahil sa pananalasa ng bagyong Urduja.
Ito ay batay sa pinakahuling pagtaya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan tatlo sa mga nasawi ay naitala sa Masbate, isa sa Camarines Norte, lima ay naitala sa Leyte, isa sa Eastern Samar, dalawa sa Samar, dalawampu’t walo ay naitala sa Biliran at isa sa Surigao Del Norte.
Nilinaw naman ni Marasigan na ang kanilang mga naitalang casualties ay ibi-verify pa ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Inaalam ng DILG ang partikular na sanhi ng pagkamatay ng 41 indibidwal.
Nakapagtala rin ang NDRRMC ang 43 missing, 1 ay sa Camarines Sur, 11 sa Eastern Samar at 31 ay sa Biliran.
Narekober rin ng buhay ang mag-asawang natabunan ng lupa sa Romblon matapos ang nangyaring landslide sa lugar.