Nakapagtala na ang NDRRMC ng tatlong nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Jolina.
Ang mga ito ay 1 mula sa Marinduque at 2 mula sa Naro, Masbate na pawang mga mangingisda habang 4 naman ang naitalang sugatan.
May naitala namang 31 missing, 14 dito ang taga-Naro, Masbate; 12 ang taga-Catbalogan Samar; 4 sa Esperanza, Masbate at 3 sa Culuba, Biliran.
Samantala nadagdagan naman ang mga apektado sa pananalasa ng Bagyong Jolina partikular na sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol, Eastern at Western Visayas.
Batay sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, pumalo na sa 20, 777 pamilya o katumbas ng 83, 650 indibidwal ang apektado ng kalamidad.
Facebook Comments