NDRRMC, nakataas na sa blue alert status

Isinailalim na sa blue alert ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang kanilang alerto.

Kasunod ito ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon.

Batay sa utos ni Office of the Civil Defense Administrator at NDRRMC Executive Director Undersecretary Ricardo Jalad, inaatasan niya ang lahat ng mga tauhan ng operation center sa Camp Aguinaldo na maging alerto at manatiling naka-stand by 24 oras.


Maliban rito, pinapanatili rin niyang maging handa ang mga tauhan ng Regional Disaster Risk Reduction and Management (RDRRMO) Operation Center sa Region 1, 3, 5, Calabarzon, NCR at Cordillera Administrative Region.

Inatasan rin ni Jalad ang AFP, PNP, BFP, PCG at lahat ng attached agency ng OCD na magpadala ng kanilang duty officer sa mga RDRRMO para sa pag-consolidate ng mga report at koordinasyon.

Pagtitiyak ni Jalad, patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan para sa pagpapadala ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol.

Facebook Comments