NDRRMC, nananawagan sa mga LGU na sundin pa rin ang social distancing sa mga evacuation centers

Nagpaalala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga local government units (LGU) na panatihilin ang social distancing sa evacuation centers sa gitna ng banta ng Bagyong Ambo.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal – kailangang gumamit ang mga LGU ng alternative evacuation centers lalo na at maraming pasilidad ang ginagamit ngayon bilang quarantine centers.

Binigyang diin din ng opisyal ang kahalagahan ng kooperasyon ng publiko sa harap ng public health emergency, kaya importanteng magsuot ng face mask at sundin ang iba pang health protocols.


Tiniyak ng NDRRMC na ligtas at malayo sa danger areas ang quarantine facilities.

Facebook Comments