NDRRMC nanawagan sa publiko na manatiling kalmado sa gitna ng krisis sa tubig

Manila, Philippines – Maging  si Civil Defense Administrator at NDRRMC Executive Director, Undersecretary Ricardo Jalad ay nanawagan na rin  na manatiling kalmado sa gitna ng umiiral na kakulangan sa tubig dulot ng El Niño.

Sa ikalawang pagpupulong ng NDRRMC kahapon kaugnay ng El Niño, tiniyak ni Jalad na ang lahat ng concerned government agencies ay gumagawa na ng paraan para masiguro na magiging sapat  ang supply ng tubig para sa sektor ng agrikultura at mga consumers.

Ayon sa NDRRMC, sapat pa ang supply ng tubig sa Angat Dam, na siyang pangunahing pinagkukunan ng supply ng Metro Manila.


Sa ngayon ay nasa 199.94 meters elevation ang tubig sa Angat na mataas pa mula sa minimum operating level na 180 meters.

Gayunpaman, pakiusap ni Jalad sa publiko na obserbahan ang sustainable water management sa kanilang mga tahanan, upang makatulong sa pagtugon sa mga epekto ng El Niño.

Kabilang sa mga ahensyang lumahok sa pagpupulong kahapon ay ang DOST, DENR-NWRB, PAGASA, private water concessionaires Maynilad at Manila Water.

Facebook Comments