Nilinaw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na walang nasawi sa Bataan dahil sa Bagyong Karding.
Ito’y matapos lumabas ang paunang ulat ng kanilang operations center kanina, tungkol sa isang nasawi sa Bataan, isa sa Quezon, at dalawa sa Zambales, o apat na karagdagang nasawi pero kanila pa itong beneberipika.
Ayon kay Mark Timbal ng NDRRMC, zero casualty sa Bataan.
Sa ngayon, walo ang opisyal na bilang ng mga nasawi sa bagyo matapos itong madagdagan ng 3.
Kasama sa 5 ang mga rescuers ng Bulacan PDRRMO.
Facebook Comments