Manila, Philippines – Itinaas na sa blue alert ang operation center ng NDRRMC.
Ito ay bilang paghahanda ngayong nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility ng bagyong Lannie
Ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan, handa na ang kanilang mga lokal na tanggapan, ang DOH, DSWD at mga lokal na pamahalaan sa anumang epekto ng papasok na bagyo.
Payo naman ng NDRRMC ang publiko na magmatyag sa siwtasyon, magmonitor sa TV at radyo at sumunod sa mga utos ng LGUs.
Sa mga maglalayag naman payo ng NDRRMC na iwasan muna dahil mapanganib ang paglalayag sa eastern seaboards ng Quezon at Bicol region.
Facebook Comments