NDRRMC, patuloy ang monitoring at coordination sa mga lokal na pamahalaan na maapektuhan ng Bagyong Florita

Nakahanda ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) gayundin ang Regional NDRRMC at mga lokal na pamahalaan para sa posibleng epekto ng Bagyong Florita.

Ayon sa NDRRMC nagpapatuloy ang kanilang pagbabantay sa lagay ng panahon at on-going din ang kanilang close coordination sa kanilang regional counterparts.

Kasunod nito, muling nagpaalala ang NDRRMC sa mga residenteng posibleng maapektuhan ng bagyo na mag-ingat.


Payo pa ng NDRRMC sa mga residente na makinig sa direktiba ng kani-kanilang local government unit (LGU) at lumikas kung kinakailangan lalo na sa mga lugar na mataas ang tyansa ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Base sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) maapektuhan ng bagyo ang mga lugar na nasa Northern Luzon.

Facebook Comments