NDRRMC, patuloy ang monitoring sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Gorio

Manila, Philippines – Wala pang namomonitor na anumang untoward incident ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC kaugnay sa epekto ng bagyong Gorio.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, sa kabila na hindi magla-landfall ang bagyo nagpapatuloy ang kanilang monitoring sa mga lugar na nararanasan ang epekto ng tropical storm Gorio.

Inaalam nila sa kasalukuyan kung may mga lumikas na dahil sa walang tigil na ulang nararanasan sa western section ng Luzon.


Posible raw kasing maranasan ang landslide at flashflood dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Pero bago pa aniya maramdaman ang tuloy-tuloy na pag-ulan dahil sa epekto ng bagyong Gorio ay agad na silang nakipagu-ugnayan sa kanilang mga regional offices upang ipaalala sa mga ito na gawin ang mga precautionary measures.

Ilan na rito pagrerekomenda sa mga LGU ang pgsuspende ng klase, at ang pagkakaroon ng patuloy na pakikipag ugnayan sa mga local officials.

Facebook Comments