Nananatiling zero ang Fatality Report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ito’y sa gitna ng mga lumalabas na ulat na may mga namatay dahil sa Bagyong Tisoy.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, kailangan muna nilang beripikahin kung ang pagkamatay ng mga ito ay direktang sanhi ng Bagyo.
Patuloy pa rin kasi ang pangangalap nila ng damage reports mula sa mga rehiyon na naapektuhan ng Bagyo.
Sinabi naman ni NDRRMC Spokesman Mark Timbal, mahalagang dumaan sa validation bago sila maglabas ng Death Toll, bilang bahagi ng kanilang Protocol.
Facebook Comments