Minomonitor na ngayon National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang sitwasyon sa mga lugar na nakapaligid sa Bulkang Taal.
Ito ay matapos itaas ng PHIVOLCS sa alert level 3 ang Bulkang Taal dahil sa mga naitalang pagputok at pagbuga ng makakapal na usok kaninang umaga.
Inabisuhan ng NDRRMC ang mga lokal na pamahalaan na nasa high risk areas sa paligid ng naturang bulkan na maghanda na sa posibleng paglikas.
Partikular na binigyang babala ng NDRRMC ang mga residente na naninirahan sa mga barangay Bilibinwang at Banyaga sa bayan ng Agoncillo at mga barangay Buso-buso at Gulod sa bayan naman ng Laurel.
Sa ngayon ay wala pang nilalabas na datos ang NDRRMC kung ilang pamilya na ang inilakas kasunod ng bagong aktibidad ng Bulkang Taal.