NDRRMC, pinaghahanda ang Bicol Region at CALABARZON sa pagtama ng Bagyong Ulysses

Pinaghahanda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga residente sa Bicol Region at CALABARZON sa inaasahang pagtama ng Bagyong Ulysses.

Pinayuhan ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad ang mga regional at Local DRRM Offices na maaapektuhan ng bagyo na tumutok sa weather updates at magpakalat na ng maagang warning signals at ipatupad ang safety measures kabilang ang preemptive evacuation.

Inatasan din ni Jalad ang mga pinuno ng Regional DRRM na gamitin ang lahat ng paraan ng komunikasyon para matiyak na naaabot sa mga komunidad ang mga abiso.


Sa taya ng DOST-PAGASA, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Bicol-Quezon area bukas at posibleng lumakas bilang typhoon.

Facebook Comments