NDRRMC, pinatututukan ang health service sa mga evacuation center

Hindi lamang food items ang pinatutukan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pananalasa ng Bagyong Julian.

Ayon kay Office of Civil Defense Spokesperson Diretor Edgar Posadas, kasama sa pinagtutuunan nila ngayon ng pansin ay ang health service sa mga evacuation centers.

Ani Posadas, partikular na tinututukan nila ang health conditions ng mga matatanda, buntis, may kapansanan at mga bata.


Sinabi pa nito na sapat ang bilang ng mga evacuation centers para sa mga apektadong lugar kung saan patuloy ang pag-agapay ng pamahalaan sa mga nasalanta ng Bagyong Julian.

Facebook Comments