Ndrrmc, Sinimulan Na Ang Assessment Sa Pinsalang Dulot Ng Bagyong Nina

MANILA – Sinimulan na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang assessment sa pinsalang dulot ng bagyong Nina sa mga lalawigang sinalanta nito.Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, kabilang sa mga sinira ng bagyo ang mga linya ng kuryente at nasirang mga bahay at gusali.Sa Catanduanes, nagkaroon anya ng mga pagguho ng lupa at problema sa linya ng komunikasyon.Sa Camarines Sur – nagkaroon ng pagbaha at pagkasira ng imprastraktura.Sa ngayon, ilang lalawigan na ang nagdeklara ng state of calamity para makapagpalabas ng pondo ang lokal na pamahalaan at mabigyan ng tulong pinansyal ang mga naapektuhang pamilya.

Facebook Comments