NDRRMC, tiniyak na may nakahandang tulong para sa mga kababayan nating apektado ng vog sa Calabarzon

Patuloy ang pagtugon ng pamahalaan sa mga kababayan nating apektado ng volcanic smog o vog sa mga munisipalidad ng CALABARZON.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council & Civil Defense Administrator (NDRRMC) Undersecretary Ariel Nepomuceno, palaging handa ang pamahalaan.

Sa katunayan, handa ang national government na i-augment ang supplies ng local government ng CALABARZON tulad na lamang ng mga N95 face mask at iba pa.


Pinayuhan din nito ang publiko na palaging makinig sa mga abiso at babala ng gobyerno mula sa mga reliable sources upang maiwasan ang paglaganap ng fake news.

Samantala, sa pinaka huling datos 263 indibidwal ang nakaranas ng mild to moderate respiratory distress dahil sa smog.

Kaya paalala ng opisyal, manatili na lamang sa tahanan kung walang mahalagang lakad, gumamit ng n95 facemask o gas mask kapag lalabas, uminom ng maraming tubig at iwasang langhapin ang vog o smog at kung saka sakaling may maramdamang kakaiba dulot nito ay agad na magpakonsulta sa doktor.

Facebook Comments