NDRRMC tumutulong na rin sa DOH para mapigilan ang pagkalat ng 2019 Novel Coronavirus

Siniguro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na magiging katuwang sila ng Department of Health para mapigilan ang pagkalat ng 2019 Novel Coronavirus sa bansa.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, lahat ng kanilang member agencies ay kikilos at susuporta sa mga hakbang na irerekomenda ng Department of Health (DOH).

Paliwanag ni Timbal ang DOH ang eksperto sa usaping ito kaya gaya ng Dengue Outbreak at iba pang health emergencies ay susunod lang sila sa anumang iu-utos ng kagawaran.


Sa ngayon, nanatili pa rin sa Red Alert ang status ng NDRRMC dahil sa pagputok ng Bulkang Taal noong January 12.

Facebook Comments