NDRRMC, tutulong na rin sa monitoring ng tigdas

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang lahat ng regional offices nito na magbantay sa posibleng outbreak ng tigdas sa kanilang lugar.

Nabatid na idineklara na ng Department of Health (DOH) ang measles outbreak sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Eastern Visayas.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad – nag-isyu na sila ng memorandum sa mga regional offices ng Office of Civil Defense (OCD) na mag-convene sa kani-kanilang RDRRMC response clusters para i-monitor ang aktibidad ng mga kaukulang ahensya partikular ang paghahatid ng serbisyo para matiyak ang preventive measures at maipatupad ang kinakailangang response actions.


Nanawagan din si Jalad sa mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak upang maiwasan na ang pagkalat ng sakit.

Facebook Comments