NDRRMC, wala pang naitatalang namatay o nawawala sa paghagupit ng Bagyong Kiko

Wala pang naitatalang casualties o nawawala sa Northern Luzon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) matapos ang paghagupit ng Bagyong Kiko.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, batay sa paunang datos, 79 indibidwal na ang inilikas sa Divilacan, habang 247 sa Maconacon sa probinsya ng Isabela.

15 barangay naman ang naapektuhan ng bagyong kiko sa Region 2 na kinabibilangan ng 415 katao o 120 pamilya.


Sa kabuuan, tinatayang nasa 2,780 pamilya o 11,145 na indibidwal ang apektado ng paghagupit ng bagyo.

Mula ito sa 97 na barangay mula sa Region 1, 2, 3, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Naitala naman ang apat na insidente ng pagguho ng lupa sa Region 1, partikular na sa lugar ng Aringay, Burgos, at San Fernando sa La Union dahil sa malalakas na pag-ulan.

Kaugnay nito, wala pa ring suplay ng kuryente sa limang bayan sa Batanes at Apayao, habang naantala ang suplay ng tubig sa Sabtang, Batanes dahil sa mga nasirang pipeline at accessories dulot ng malalakas na pag-ulan at hangin.

Facebook Comments