Daan-daang estudyante ng Notre Dame University ang lumahok sa ginanap na symposium ukol sa HIV-AIDS.
Ang mga lumahok ay mula sa iba’t ibang kolehiyo ng Unibersidad. Tinalakay sa forum kung saan nakukuha ang sakit, at tinalakay rin ang alternatibong paraan sa pagpigil ng pagtaas ng bilang ng mga biktima. Ang symposium ay isinagawa sa Tanghalang Michael Clark.
Ayon sa resource speaker ng symposium na si Prof. Antonio Lim Jr. RN, batay sa mga nakalap niyang impormasyon mula sa Department of Health (DOH), pabata ng pabata ang mga nagiging biktima ng HIV. Ito ay nagkakaedad ng 15 anyos pababa.
Dagdag pa niya, sa ngayon ang Cotabato City ang may pinakamaliit na bilang ng kaso ng HIV sa Region 12.(IAN ROY HOLGADO, NDU ABCOM)
Facebook Comments